COVID-19: Mabilis na inaksyunan ng Pamahalaan ng Alabat, Quezon: EO No. 2020-10

Kaalinsabay ng African Swine Fever ay ang mabilis na pagkalat CORONAVIRUS 2019 o COVID-19, kaugnay nito ang ating Pangulo Rodrigo R. Duterte ay nagdeklara ng State of Piblic Helath Emergency sa buong bansa sa ilalim ng Proklamasyon Bilang 922.

Napagdesisyunan ng iba’t ibang ahensya na ang mga pampublikong kaganapan ay pansamantalang ikakansela tulad ng Moving-Up, Graduation, Senior’s Ball, Visita Iglesia, Almuni Homecoming 2020, Summer Basketball League 2020, Cockfights (Sabong), Barangay Assembly, Federation Meetings, ICS Training ng MDRRMC, Program Development Workshop, at mga aktibidad ng Turismo.

Bilang paghahanda sa Patnubay ng Department of Health at World Health Organization:

  1. Regular at wastong paghuhugas ng kamay.
  2. Pag-iwas sa malapitang pakikipag salamuha sa may lagnat, at ubo’t sipon.
  3. Pagsisigurong malinis at naluto ng maayos ang pagkain tulad ng karne at isda.

At sa lahat po ng mga kababayan naten na uuwi ng Alabat galing sa mga bansa o Bayan na may confirmed cases of COVID-19 tulad ng Metro Manila, Cavite, Batangas, at Rizal ay consider as Persons Under Monitoring or PUM ay kinakailangan na mag Home Quarantine sa loob ng 14 na araw, pinakikiusapan namen na magsadya o magpatala sa inyong mga Barangay Health Workers at Rural Health Unit. At kung wala naman po kayo mahalagang gagawin ay huwag na po kayo umuwi sa iba pang probinsya at manaili na lamang sa inyong tahanan. Kung kaya’t maglaan ng TULONG at KOOPERASYON upang maipatupad ang mga preventive measures.

Gayundin, pinapayuhan ang mga may ari ng negosyo ay hindi dapat magtaas ng presyo mga bilihin.

Maraming salamat po. Maaari kayo tumawag o magtext sa iba pang katanungan at impormasyon.
RHU – 0930-349-6143
AIDH – 0977-804-5073

0 Comments

There are no comments yet

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *